Sumabog ang napakalaking issue ngayon sa ginawa umanong cooking show ng mismong owner ng Miss Universe ang Thai na si Anne Jakrajutatip para lang makapasok sa Top 5 si Miss Thailand na si Antonia Porsild.
Marami kase ang nagtaka sa ipinost ng Miss Universe El Salvador official instagram account na listahan ng Top 5 dahil kasama dito si Miss Philippines Michelle Dee, at wala si Antonia. Ngunit pagkatapos ng ilang minuto ay dinelete din nila ito agad at pinalitan nila ang picture ni Michelle kay Antonia.
Marami tuloy ang kumunot ang noo at nagtaka dahil imposible namang napagkamalan lang ng nag edit ng photo na si Antonia ay si Michelle. Duda ang mga netizens na may dayaan na talagang nangyayari sa loob ng Miss Universe Organization ngayon.
May mga nagsasabing ito daw ang mismong dahilan kung bakit nag resign na ang Miss Universe President na si Paula Shugart dahil hindi na nito kaya ang ginagawang pangingialam sa resulta ng owner.
Michelle Dee Miss Universe,Michelle Dee,Miss Universe 2023
Leave a Reply